Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Celine maalaga sa wankata

0 311

Kahit may pandemiyang COVID-19, todo pakondisyon pa rin lagi ng katawan si Premier Volleyball League star Celine Elaiza Domingo.

Ibinahagi kahapon ng Creamline Cool Smashers veteran middle blocker sa kanyang Instagram post ang naging outdoor run upang mapanatili ang kanyang magandang pigura.

“Had a morning run today. Don’t worry sa backyard lang namin to…jk!” hirit ng edad 21, may taas na 5-10, tubong Gen. Trias City at dalagang beteranang balibolista sa kanyang caption.

Pinanapos ng dating ng dnational under-23 team women’s indoor team member middle blocker: “This is inside our subd and there’s no one around, just me and my sister. So I think its okay and safe naman.”

Hindi makaere ang 4th PVL 2020 dahil sa Coronavirus disease 2019. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.