Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cellphone gamit habang naglalakad, hinablot

0 53

Dinampot ng pulisya ang riding in tandem na naghablot ng cellphone sa isang lalaking naglalakad sa Silang, Cavite, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Marjun Avila, vendor at backride nito na si Rizy Cadiente, kapwa taga-Silang.

Sa reklamo ng biktimang auto painter kay Corporal Mary Jane Manalo, ng Silang Police Station, naglalakad siya alas-siyete kamakalawa ng gabi sa Aguinaldo Highway sakop ng Brgy Biga 2, Silang

SM food to go Banner Ad

habang nagtsa-chat gamit ang kanyang Huawei Honor 8X na nagkakahalagang P8K nang hablutin ng magkaangkas na suspek.

Nagsisigaw ang biktima at nakatawag pansin sa mga nagpapatrulyang barangay tanod na ikinadakip ng dalawa. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.