Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cellphone ng empleyada hinablot sa jeep

0 189

Arestado ang isang miyembro ng Bahala na Gang matapos hablutin ang cellphone ng isang babaeng sakay sa jeep kamakalawa sa Mabini St., at Padre Faura, Ermita.

Sasampahan ng kasong robbery snatching sa Manila Prosecutors Office ang suspek na si Ferdie Marquez, 25, ng Ermita.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon, sakay sa jeep ang biktimang si Maria Cristina Rodil, 31, office staff, alas-11:37 ng umaga nang buhat sa kanyang likuran ay may humablot sa kanyang cellphone na Vivo S1 Pro na nagkakahalagang P17,000.00.

Hindi nasiraan ng loob ang biktima na habulin ang suspek at humingi ng saklolo.

Tiyempong nagpapatrulya sina PCpl Julius Wei Wei Quillope, PCpl Eric Quimson, Pat Cedy Regala, Pat Roy Valler, at Pat Aldrin Vacunawa, ng MPD-DMFB kaya nakorner ang suspek at nabawi ang cp ng biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.