Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cellphone sa VisMin Cup binawal

0 199

Pinagbawal na ang paggamit ng mga cellphone habang may laro sa Pilipinas VisMin Super Cup.

Sa nilabas na memo ng liga Martes, pinapa-surrender ang mga cellphone sa mga pulis bago ang oras ng laro.

Ang naturang memo ay pinirmahan nina chief operations officer Rocky Chan at basketball operations head Chelito Caro.

SM food to go Banner Ad

“Please be informed that effective Tuesday, 20th of April, all mobile phones will be surrendered to the league technical group in coordination with PNP officials before the start of the game for safekeeping and will be returned after the game,” lahad sa memo.

Ito’y kasunod ng kontrobersyal na laro na nangyari sa Lapu-Lapu City at Siquijor Mystics sa nakalipas na Miyerkoles.

Sa nasabing laro, kapansin-pansin ang sadyang hindi pag-iskor ng mga manlalaro at nakabit sa alegasyon ng game-fixing. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.