Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Censure kay Parlade

0 270

Maraming senador ang umusok ang tenga matapos marinig at mabasa ang sinabi ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., spokesman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na stupid raw ang mga senador kung isyasyapol ang P19 bilyong anti-insurgency funds upang magamit na pang-ayuda sa mga naghihirap na Pinoy.

Sabi ng ilang senador, sayang lang ang pondo ng NTC-ELCAC kung ire-red tag lang ang mga organizer ng community pantry na pinipilahan ngayon ng mga nagugutom na mamamayan. Nabuwisit nang husto ang ilang senador nang tahasang sabihin ni Parlade na parang gawain ni Satanas ang community pantry na pinasimulan ni Ana Patricia Non.

Isa sa lubos na nairita kay Parlade ay si Senador Panfilo Lacson. Sabi niya, ipinagtanggol pa mandin niya ang budget ng nasabing tanggapan pero ito pa ang naging resulta. “I am not sure if I will still defend their budget this year with the same tenacity as I did the previous years – especially if the NTF-ELCAC spokesperson continues to threaten to affect its mission with uncalled-for statements.” babala ni Lacson.

Ito namang si Senate Minority Leader Franklin Drilon, maghahain daw ng resolusyon para i-censure si Parlade. “Ngayon lang ako nakarinig ng isang opisyal ng armed forces na sinasabing istupido ang mga senador. That is very disrespectful at uncalled for,” wika ni Drilon sa interview ni Cely Bueno ng DWIZ noong Sabado.

SM food to go Banner Ad

Ano nga ba ang epekto ng censure sa isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umookupa rin sa sibilyang tanggapan ng NTC-ELCAC?

Kapag sinabing censure sa mga miyembro ng Senado- suspension, reprimand o reminder lang lang pinapataw. Hindi lang tayo nakasisigurado kung ito rin ang maaaring ipataw sa isang military official.

Pero bukod sa censure, malaki ang implikasyon nito sa career ni Parlade. Maaari siyang harangin sa Commission on Appointment (CA) kung bibigyan siya ng bagong puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos na pagretiro niya sa military ngayong taon.

Lahat ng opisyal ng AFP ay dumadaan sa CA pero dahil Lieutenant General na si Parlade, ang next promotion niya ay General kung siya ang itatalagang AFP chief.

Nasa Senado ang huling halakhak, maliban na lamang kung hindi na tatanggap pa ng ibang puwesto si Parlade.

Leave A Reply

Your email address will not be published.