Abante Tonite Interactive

Center na mangangalaga sa hayop binuksan

173

Binuksan nitong Biyernes ng Department of Agriculture (DA) ang isang center na siyang mangangasiwa sa panga-ngalaga ng kalusugan ng mga hayop.

Pinangunahan ni DA Sec. William Dar ang pagbubukas ng Animal Disease Diagnostic Research Facility (ADDRF) sa loob ng Pampanga State Agriculture University (PSAU) campus.

Ang ADDRF na sumusuporta sa kampanya ng pamahalaan para sa seguridad sa pagkain, kaligtasan at pagpapanatili nito ay baha­gi ng magkakasamang pagsisikap at insiyatibo ng mga nagsasanay sa kalusugan ng ha­yop, sa pamamagitan ng paggamit ng mga modernong kagamitan at nangungunang teknolohiya.

Ang pasilidad na nagkakalaga ng P5 mil­yon ay itinatag bilang suporta sa sektor ng agrikultura at pangisdaan ng Pampanga at kalapit na mga probinsiya na kinabibilangan ng mga hayop, manok at pangisdaan.

Layunin pa rin ng pagtatag nito na maitaas ang kaaalaman pagdating sa sakit ng hayop at bumuo ng mga hakbang upang maiwasan ang pagdapo ng mga sakit tulad ng African Swine Fever, Avian Influenza, New Castle Disease at iba pa. (Riz Dominquez)