Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ces damay sa ABS-CBN sibakan

0 1,298

Kahit ang isang beteranong mamamahayag ay hindi nakaligtas sa hagupit ng ABS-CBN shutdown.

Sa tweet ni Ces Oreña-Drilon, binahagi nito na kasama siya sa mga nawalan ng trabaho dahil sa retrenchment program ng network simula sa Agosto.

“This was one of the toughest days I had to face. Telling fellow kapamilyas that they would lose their jobs by end of August. I lost mine too,” saad ni Ces.

Sa report ng business news site na Bilyonaryo, tinatayang 90-percent ng staff ng ABS-CBN ang kailangang pakawalan matapos ibasura ng 70 kongresista ang franchise application ng nasabing network.

Matatandaan na tumigil na rin sa pag-ere ang karamihan sa news and public affairs show ng ABS-CBN maliban sa TV Patrol. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.