Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ces tinangging ni-rape ng Abu Sayyaf

0 174

Naging panauhin ni Toni Gonzaga sa kanyang online show na Toni Talks ang beteranang broadcast journalist na si Ces Drilon.

Sa panayam ni Toni, muling nagbalik-tanaw si Ces sa nakaraan.

Muling nabulatlat ang tungkol sa sexual harassment na naranasan niya sa kanyang boss sa isang network.

Nangyari raw ang lahat sa pantry ng kanilang newsroom nang ipinatawag siya ng kanyang boss na may masamang tangka sa kanya.

Hanggang ngayon daw ay may trauma pa siya sa nasabing pagtatangka sa kanya.

Inilahad din niya kung paano siya i-french kiss ng nasabing news executive.

Kung may regrets man daw siya sa nangyari, ito raw ay ang pananahimik niya ukol sa naganap at hindi pagsasampa ng kaukulang kaso sa nabanggit na sexual offender.

Aminado kasi siyang nanaig sa kanya ang takot na mawalan ng trabaho noon na sa kasamaang-palad ay nangyari rin sa iba niyang colleagues.

Sa nasabi ring interview, ibinahagi niya ang makasaysayang insidenteng naganap sa kanya noong 2008 kung saan kinidnap siya ng mga miyembro ng Abu Sayyaf kasama ang kanyang crew sa loob ng siyam na araw.

Katakot-takot na hirap daw ang dinanas niya roon nang maging hostage siya. Naglakad siya ng kilo-kilometro sa mga bundok at sapa, pagtulog sa lupa, pagkain ng isang platong noodles na pinagsaluhan nila ng kanyang crew at iba pang torture habang nasa kamay sila ng mga Abu-Sayyaf.

Itinanggi niya ang mga haka-hakang na-rape siya ng bandidong Filipino Islamic group noon.

Inamin din niya na-upset siya noon dahil may mga dudoso pa ring pinag-iisipang namolestiya siya sa insidenteng iyon.

“Because if I was, what? Are you gonna look at me differently?,” aniya. “It’s like, people would whisper, ‘Ah, she was raped.’ The possibility of me being raped was there, yes. But it seemed like people were so fascinated. Well, if I were raped, would they look at me differently? Is it my fault that that happened to me?”dugtong niya.

Sa pinagdaanan niya, marami rin daw siyang na-realize na nagsilbing leksyon sa kanya.

“You realize that life is so short. And sometimes, you know, I feel very guilty because I’m so dedicated to my job that even when I was about to watch a movie with my children, and there’s a call saying there’s a story brewing somewhere, I would cancel,” lahad niya.

SM food to go Banner Ad

Na-realize rin daw niya na, it’s not worth it na magpakamatay dahil lamang sa pagkuha ng ‘scoop’ kung saan naisakrispisyo niya pati ang kapakanan ng pamilya niya.

“So I felt that you know, to really value my family and to stop and smell the flowers. I mean, you don’t have to chase after all these stories,” bulalas niya.

Pagkatapos din daw niyang masuspinde sa kanyang trabaho, natutunan niya ang kahalagahan ng pagiging mababa ang loob.

Esplika pa niya, nasuspinde raw siya dahil risk taker siya. Sinuway niya ang last-minute order ng kanyang superior na i-cancel ang coverage sa Abu Sayyaf kaya siya napahamak.

Nagpapasalamat din siya sa mga taong nagdasal sa kanyang kaligtasan after lumaya siya sa mga Abu Sayyaf.

Lloydie nasa likod ang abs

Nagkaroon ng masayang tsikahan ang veteran broadcaster at filmmaker na si Cesar Soriano nang dumalaw si John Lloyd Cruz sa programa nito.

Hirit niya sa actor, i-try ni Lloydie ang surfing tulad ng mga celebrities na sina Jericho Rosales, Andi Eigenmann, Rafael Rosell, Erich Gonzales, Rocco Nacino, Glaiza de Castro, Sarah Lahbati, James Reid at Daniel Matsunaga.

Paliwanag ng broadcaster, maliit daw kasi ang tiyan ni John Lloyd kaya babagayan siya ng nasabing surface water sport.

Pabiro namang tugon ni Lloydine na “Abs ko nasa likod kasi.”

Mula naman sa tweet ng isang birdie kaya raw nasa Siargao si John Lloyd ay dahil naghahanap daw ito ng beachfront property sa Siargao.

Dati nang napaulat na bumili ng 20 million property ang award-winning actor sa El Nido sa Palawan.

Ito ay bukod pa sa rest house niya sa Coron.

Dahil isang beach at nature lover daw si Lloydie, kaya ang mga property na binibili nito ay malapit sa dagat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.