Abante Tonite Interactive

Cesar bida-direktor: Pastor Apolinario biopic palalawakin ang Kapa

684

Bago pala uminit ang isyu tungkol sa Kapa Community Ministry ay may ginagawa nang movie. Ito’y tungkol sa life story ng founder nito na la­yong mas makahikayat pa ng mas maraming miyembro nito.

Ayon sa source, gagastusan ang movie mula sa P50 billion pondo ng Kapa. Balitang si Cesar Montano ang gaganap na Pastor Joel Apolinario, habang si Empress Schuck naman si Reyna, ang asawa ng kontrobersiyal na pastor.

Ang titulo umano nito ay “Dream” at prodyus ng GWARD Inc. at Independent Dream Entertainment Arts. Si Cesar rin diumano ang director nito.

Ayon sa production insider, natigil ang shooting dahil naging busy raw si Cesar noong nakaraang eleksyon.

May lumabas na rin na teaser ang naturang pelikula na nagpapakita kung paano nakaahon sa kahirapan si Pastor Apolinario. Of course, nandiyan din ang love story nila ni Reyna.

Samantala, nasa hot water ngayon ang Kapa ministry na pinaparatangan na isa umanong investment scam, na ang mga miyembro nito ay umaasang makakaahon rin sa kahirapan. Pinapatigil na ang grupo nila ni Pangulong Rodrigo Duterte pero umaapela ang mga member nito. (Jun Lopez)