Abante Tonite Interactive

Cesar ‘di inisnab ang debut ng anak

594

Sa prescon ng “The Heiress” ay nilinaw ni Sunshine Cruz ang balitang hindi nagpunta ang ex-husband na si Cesar Montano sa debut ng panganay nilang anak na si Angelina Cruz na ginanap last September.

“Ang dami kasing lumabas na hindi (nagpunta). Nagpunta. Mayroon pa nga siyang name plates. Ako pa nag-prepare ng mga name plates, kasi I thought kakain (si Cesar),” paglilinaw ni Sunshine.

Pero hindi na raw pumasok pa sa venue ang dating asawa at inirespeto naman daw niya ito.

“He chose not to go in, pero nagpakita siya sa anak ko. Nagpakita siya, nag-selfie pa raw sila ng bata, may inabot siyang regalo sa anak namin, so okay na ‘yun.

“In-invite naman talaga siya ni Angelina and dapat ka-table pa niya sina Francis Libiran, sina Ruffa (Gutierrez). Pero hindi nga pumasok na. Eh irespeto na lang natin ‘yun. Ang importante, nakita niya ang anak niya at nagpunta siya roon para sa anak niya,” pahayag pa ng aktres.

Ayaw nang pag-usapan pa ni Sunshine ang tungkol sa financial support ni Cesar para na rin respeto sa isa’t isa.

When asked kung may galit pa ba siya sa ex-husband, ani Shine, “‘wag na natin siyang pag-usapan, annulled na ako, move forward na tayo.”

Hindi ako engaged – Sunshine

As we all know, sa ngayon ay happy si Sunshine sa piling ng boyfriend na si Macky Mathay. Usap-usapan nga na engaged na sila at ayon sa aktres ay hindi raw ito totoo.

“Hindi talaga. Pramis, hindi ako engaged, hindi talaga. And I’ve said that a lot of times, ilang beses na ring tinanong sa akin. Kung kunyari engaged ako, ba’t ko naman itatago sa edad kong ito?

“I’m 42. Parang first, if I’m engaged or I will be engaged, I will be very proud and I’ll tell, you know, my loved ones, specially, kasi I know that they deserve to know the truth.

“Hindi ako engaged. Kaka-annul ko lang officially nun’g Feb, March? As in officially. Kasi, ‘di ba, nag-motion for reconsideration pa? Pero talagang officially, annulled lang ako, just recently.

“So, I want to enjoy my life muna ngayon. Okay naman kami sa set-up namin,” she said.

Kung tatanungin siya ngayon ay hindi pa raw talaga siya ready na mag-asawang muli at sinasabi niya ito sa boyfriend.

“Kahit gustuhin niyang mag-propose sa akin, ako mismo ang nagsasabi sa kanya that I am not ready. Hindi pa. Hayaan n’yo muna akong lumigaya ng single ako.

“Officially single ako, I’m doing well. Sa awa ng Diyos, hindi naman tayo nawawalan ng projects, ng trabaho.

“So, gusto ko munang i-enjoy, lalo na’t nagiging teen-agers na ang mga anak ko,” she said.

Samantala, ang “The Heiress” ay horror film offering ng Regal Entertainment kung saan ay kasama ni Sunshine ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Also in the cast are Janella Salvador and McCoy de Leon. Showing na ang pelikula ngayong Nov. 27 mula sa direksyon ni Frasco Mortiz.

Mariel nawindang sa ultrasound

Lukang-luka si Mariel Rodriguez-Padilla sa presyo ng ultrasound session sa US. Mapapanood sa kanyang bagong vlog sa YouTube ang kuwento ng preggy TV host tungkol dito na aniya, tumataginting na $947.00 ang bill niya na sa pera natin ay nasa P47,874.92.

“I did my first ultrasound the other time. Nakakaloka kasi sinend nila yung bill, parang 947 dollars. Medyo na-shock ako nang konti kasi 2,500 lang yun sa Pilipinas,” sabi ni Mariel.

As we all know ay medyo matagal nang nasa US ang TV host kasama ang panganay nila ni Robin Padilla na si Isabela dahil doon siya manganganak sa second baby na pinangalanan naman nilang Gabriela.

Sa ngayon ay nasa labor preparations na raw siya and sobrang happy siya dahil very healthy ang kanyang baby ayon na rin sa kanyang mga pre-natal check-ups. Pero aminado rin siyang nasa category siya ng high-risked patient because of her age.

“Kasi, I’m 35, eh pag 35 ka pala, matanda ka na, alam mo ‘yun? Nagulat din ako na because of my age, high-risked na ako,” she said.

Bukod dito ay may history siya of miscarriages at may mga naging health issues pa noong ipinagbubuntis niya si Isabella.

Well, just wondering kung magkano ang presyo ng panganganak sa US kung ganyang ultrasound pa lang ay nasa P47,000 na.

Albie pantasya ng mga bading

Pinagpistahan ng mga fan niya ang pinost ni Albie Casiño sa kanyang Instagram account na eksena nila ni Andrea del Rosario sa “Ipaglaban Mo”.

Makikita kasi sa larawan na naka-topless siya habang magkayakap sila ni Andrea at ang sexy niya tingnan, in fairness.

Iisa nga ang komento ng mga netizen – na bagay na bagay sa kanya ang mga ganitong sexy role at sana raw ay marami pang ganitong proyekto na dumating sa aktor.

“The king of Ipaglaban mo 🙂 perfect sayo mga role na ganyan sexy sexy hehehe waiting for abs again,” komento ng isang netizen.

“Pagpapantasyahan nanaman to ng mga bakla hahaha,” comment naman ng isa.

“Hot,” ang reaksyon naman ng isa.

Sa “Ipaglaban Mo” episode na mapapanood today (Saturday) titled “Byaheng Langit” ay ginagampanan ni Albie ang role na gwapo, matangkad, mayaman, sexy at malakas ang appeal na piloto. Mapapaibig niya si Jenny (Andrea) at magiging tatay ng anak nito ngunit iiwan niya ito sa ere.

Mula sa direksyon ni Roderick Lindayag, kasama rin sa cast sina Aya Fernandez, Jhai Ho at Tan Carlos.