Abante Tonite Interactive

Cesar dinamayan ni Diego at mga anak ni Sunshine?

By
6,979

Ibinagay na ni Cesar Montano ang kanyang courtesy re­signation bilang head ng Tourism and Promotions Board. Ayon sa mga balita, ang opisina ng Pangulo, tinanggap na ang pagbibitiw ni Montano.

Sa panayam ni bagong Secretary Berna Romulo-Puyat sa Bawal Ang Pa­saway na programa ni Ms. Winnie Monsod, may nasa si Puyat na makausap at makadaupang palad si Cesar. Gusto niyang ma­ging patas. Para sa kanya, nararapat lamang na marinig niya ang panig ni Montano.

Ang mga katotohanang isinisigaw ng pangyaya­ring ito? Maaaring ito ang greatest performance of Montano’s life. Hindi bilang pambansang ba­yani sa Dr. Jose Rizal film. Hindi bilang mandaragat sa Muro-Ami. Mas lalong hindi bilang sundalo sa Hollywood motion picture na The Great Raid.

Hindi madali ang kanyang pinagdadaanan at kung may kaunting consuelo sa pangyaya­ring ito, may natitira pang kakayahan ang embattled aktor. Hindi siya kapit-tuko sa posisyon. Kahit paano, there still remains a gentleman from the old school in him.

Patotoo rin si Montano na ang pagtanaw ng utang loob ay hindi magandang gawing dahilan para iluklok ang isang kakilala, kaibigan at sa pangyaya­ring ito, isang dramatic actor sa isang posisyon sa gobyerno.

Kailangan, hindi ka lang maraming karanasan sa buhay, dapat alam mo rin ang mga government processes at procedures. Dapat may sapat kang kaalaman sa public administration, sa legalidad, kung paano pinapasulong at pinapatupad ang mga proyekto at flagship programs. Dapat din may sarili kang boses at pag-iisip, hindi puwedeng yes sir or yes madam lang ang isang taong gobyerno.

Ang pamilya ni Cesar, ano kaya ang pakiramdam at suporta na binibigay sa kanya? Huwag na ta­yong umasa pa kay Diego Loyzaga, he is so frea­king full of himself at lagi siyang naka I, Me, Myself mode sa kanyang mga social media posts.

May pakiwari siya na sa kanya umiikot ang universe at ang mga nangyayari sa biological tatay niya, may chance na ang tingin niya dito, nagaganap in a galaxy far, far away. Para kay Diego, his millennial concerns are BIGGER than the troubles of his tatay.

‘Wag na tayong manalig na Sunshine Cruz and his daughthers will send him love, warm embraces and kind words. We all know na they all feel better and are li­ving the best days of their lives without Cesar in the equation. Living well is their best revenge.

Sino nga kaya ang wind beneath his wings sa ngayon?

*Tito inayawan bilang Senate President

Hindi ko alam kung progresibong pangyayari ito o sadyang mapapailing na lang tayong lahat at mapapatiim bagang kasi nga si Senador Tito Sotto na ang Senate President. He is now one of the most po­werful men sa Pilipinas nating mahal.

Ang mga dabarkad ba, nagbubunyi sa pangyaya­ring ito? Ang diva that you love, siguradong si Ms. Naomi Fontanos, isang LGBTIQ+ advocate, may hanash tungkol sa bagong Senate President, “Hi loves! Did you know that the new #senatepresident Tito Sotto has consistently blocked the passage of the #SOGIEEqualityBill in the Senate?

Kaya dapat pinag-iisipan na natin kung tama pa ba ang pagsali sa #SuperSireyna o #SufferSireyna ng Eat Bulaga, kasi kung naniniwala talaga si Tito Sen sa pagkakapantay-pantay ng mga Pilipinong LGBTIQ+ sa lipunan, mapapatunayan niya ito sa pagtutulak ng batas na mag-proprotekta sa atin sa diskriminasyon at karahasan. Para sa akin hindi na dapat tayo pumapayag sa kaunting pagpapalabas-labas natin sa TV ngunit walang pagbabago sa pagtrato sa atin sa lipunan. It’s possible to achieve visibility and change the system too. Let’s push for that.

Remember, visibility is NOT liberation.”

Isa lang si Ms. Naomi sa mga may hindi gusto sa pagiging Senate President ni Sotto. Ang tanong, mapapatunayan niya kayang wala sa hulog ang maagang panghuhusga sa kanya? Wala na kaya siyang ‘na-ano’ jokes daw? Kailan nga matatapos ang peryang kasalukuyang kinasasadlakan nating lahat?