Abante Tonite Interactive

Cesar Montano lumayas na sa TPB

1,199

Nagbitiw na ang aktor na si Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board (TPB), ilang araw matapos su­mingaw ang P80 milyong food tourism project na hindi dumaan sa public bidding.

Hindi na hinintay ni Montano na matapos ang kanyang termino sa Hunyo kung saan magkakaroon ng halalan ang Tourism Congress para iluklok ang bagong COO ng TPB, alinsunod sa Tourism Act of 2009.

Inirekomenda naman ng aktor na maging officer-in-charge ang alinman kina Maricon B. Ebron ng Office of the Deputy Chief ­Operating Officer for Marketing and Promotions; Joselito V. Gregorio ng Office of the Deputy Chief ­Operating Officer for Corporate Affairs at Leah Marie Sy, Manager ng Management Information System Department.