Abante Tonite Interactive

Cesar Montano tiklop kay Sec. Berna

0 2,107

Mistulang maamong tupa ang aktor na si Cesar Montano nang humarap at kausapin siya ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat hinggil sa mga kontrobersyang kinasangkutan nito bilang COO ng Tourism Promotions Board (TPB).

Ikinuwento ng bagong kalihim na sa pag-uusap nila ni Montano, nagpakita ito ng kababaang loob at ka­handaang tumulong.

“Montano was very, very cooperative, as well as truthful and earnest,” ani Puyat.

Immediate-Hiring-Ads

Si Montano at ang TPB ay sumasailalim sa imbestigasyon ng P80 milyong “Buhay Carinderia”, na isang proyekto na naka-anchor sa culinary tourism.

Nagpaliwanag din umano ang head ng TPB kung bakit mina­dali nito ang talumpati sa event ng turismo sa New York.

“He cut his speech short, kasi napansin niya na na-bored na ‘yong audience. To be fair, matagal na siya nando’n, [hindi] two-minutes tapos umalis,” paglalahad ni Puyat.

Ipinauubaya ni Puyat sa Commission on Audit (COA) ang desisyon kung isosoli ng TPB ang P80 mil­yon na ginastos para sa proyekto.