Abante Tonite Interactive

Cesar naglabas ng pruweba na suportado ang mga anak

By
1,378

Kamakailan lang ay nagparinig si Sunshine Cruz sa kanyang Instagram account. Ang tinutukoy niya sa nasabing post ay ang dating asawang si Cesar Montano.

Aniya, “Real Dads Support Their Children Without The Law Telling them why they have to.”

“A good father is a man who supports his children even when he has no mo­ney.”

Dagdag pa niya, “There is a big difference between “CAN’T and It Just isn’t a high priority.”

Kaya naman ang hinala ng mga netizen ay hindi tinutulungan umano ng aktor ang pinansiyal niyang obligasyon sa tres-marias.

Subalit umalma ang kampo ng aktor. May nag-post sa Facebook account na “Tres Marias”. Dito ay hayagan niyang ipinost sa publiko ang lahat ng resibo at checks na ipinapadala ni Cesar kay Sunshine at sa mga anak.

Maging ang fully paid na tui­tion fees ng mga dyunakis niya na nag-aaral sa De La Salle Santiago Zobel School.

Lahat ng resibo ay ipinost niya at nakamarka ang bawat buwan na pagpapadala niya.

Maging ang mga panahon na hindi pa sila hiwalay ni Sunshine ay isinama na niya. Hinala tuloy ng iba na baka nakukulangan ang aktres sa ipinapadala ng aktor sa kanya.