Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cesar nakadamit na ang bebot sa video

0 633

Kung noong 2018 ay may viral video si Cesar Montano na ang background ay nakahubong babae ngayon naman ay wholesome na.

Sa pagbati ng aktor sa kaarawan ng showbiz columnist Dolly Anne Carvajal, isang bebot ang nakitang muli sa background habang bumabati si Cesar. Pero ngayon ay may damit na ito.

Lumapit sa camera ang babae at nakita ang maganda nitong mukha.

SM food to go Banner Ad

“BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?” ayon kay Cesar na pinapatungkulan ang bebot na nakasuot ng white t-shirt.

Nagsalita naman ang babae at binati din si Dolly Anne.

“Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!” sey nito.

“Next time, yung isa kong talent, available na. ‘Yon talaga, daring ‘yon. Next time na lang ‘yon,” biro naman ni Cesar. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.