Abante Tonite Interactive

Cesar paborito ang panggagaya ni Buknoy sa video

999

tonite-imo-vinia-vivarNagbigay na ng reaksyon si Cesar Montano hinggil sa nag-viral na birthday video greetings niya. Nahagip nga ng came­ra ang isang babaeng diumano ay nakahubad (although pinagdedebatehan pa kung nakahubad nga ba).

Sa kanyang BFF na si Dolly Anne Carvajal nagbigay ng pahayag si Cesar na inilabas naman ng writer/columnist sa kanyang kolum sa isang broadsheet.

Idinaan na lang sa biro ni Cesar ang latest controversy na kinasangkutan base sa text message niya kay Dolly Anne.

Aniya ay libo-libo raw ang natatanggap niya ngayong requests for video birthday gree­tings. Pero hindi raw niya kayang pagbigyan ang mga request ng mga ito dahil ang gusto raw ng mga ito ay ang background kaysa sa kanya. May mga request din daw na voice-over na lang ang greetings niya at mag-zoom-in na lang daw ang camera sa background.

Tila aware rin ang aktor na napakaraming parodies and spoofs na lumalabas ngayon online tungkol sa nasabing controversy at ang pinaka-favorite raw niya ang spoof ni Buknoy.

On the serious side, ipinagtanggol ni Dolly Anne ang kanyang BFF at aniya, hindi naman daw ito sex video scandal para gawing big issue. Ayon pa sa anak ng yumaong Queen of Intrigue na si Inday Badiday, kung hubad na lalaki raw ang nakunan sa BG, ‘yun ang mala­king issue.

Besides, ani Dolly Anne, single na raw naman ulit si Cesar ngayon since na-annul na nga ang kasal nito kay Sunshine Cruz kaya free raw ang aktor na humanap ng babaeng makakapagpaligaya rito.

Well, mukhang hindi naman nga sineseryoso ni Cesar ang issue dahil ini-spoof niya mismo ang sarili sa kanyang la­test birthday video gree­tings for Arnold Clavio minus the controversial background.

Mikee kayang asarin ni Enrico

Masaya na si Mikee Quintos na nawala na ang ilangan sa kanila sa pagitan ng leading man sa Onanay na si Enrico Cuenca. Aminado naman ang Kapuso actress na talagang noong una ay may struggle talaga para maging kumpor­table sila sa isa’t isa.

“Noong una, sobrang struggle. Hindi ko matanggal ang pagkailang niya sa akin. ‘Yung pagkailang niya, sobrang ramdam ko. Enrico’s very quiet as in he’s kind of an introvert.

“So, ako ‘yung lumalapit sa kanya, pinupuntahan ko pa siya sa tent, tsinitsika ko para maging kumportable siya sa akin,” kuwento ni Mikee nang makausap namin recently.

Pero ngayon daw, kung mapapansin, malaki na ang improvement kay Enrico dahil finally ay nakampante na raw ito sa set.

“Kaya na niya akong asar-asarin in between takes, mas chill na. So, hindi ko na siguro kailangang mag-effort kiligin kasi nagbibigay na siya,” dagdag pa ni Mikee na tila kinikilig pa.

May something special na bang nade-deve­lop? Nanliligaw na ba or nagpaparamdam?

“Hindi naman po, hindi ganu’n. Wala pa kami sa stage na lumalabas kami outside set pero isa siya sa mga nakakakuwentuhan ko pag nasa work, ganu’n, pag nasa taping.”­

Kung ano-ano raw ang napag-uusapan nila sa taping, tungkol sa buhay-buhay, tungkol sa mga exes nila.

When asked kung may dyowa siya ngayon, sagot ni Mikee, “wala po, pareho kaming single.”

At alam niya talagang single si Enrico, huh! Mukhang pag nagtagal-tagal pa ay may tendency na magkaroon ng ng “something” ang dalawang ito.

Alodia mas sikat kay Myrtle sa PUBG

Ngayong araw malalaman ang resulta kung sino ang nanalo sa sinalihang world ga­ming tournament ni Myrtle Sarrosa na PUBG (Player Unknown Battleground) Challenge Series ng Omen by HP Challenge Series Tournament.

Lumipad pa si Myrtle ng Bangkok, Thailand last Nov. 1 at nakipag-compete sa 100 players­ all over the world kasama ang 3 pa niyang kasama sa Team Philippines. Nagtapos kahapon, Nov. 3 ang nasabing kumpetisyon.

Tumataginting na $9,400 ang mapapanalunan ng mananalo na sa peso natin ay nasa kalahating milyon. Manalo man o matalo, proud si Myrtle na maging first Filipino celebrity to represent the Philippines in an international gaming tournament.

Bukod sa kanya, marami na ring mga celebrity daw na naglalaro ng PUBG pero ang talaga raw pinakasikat sa atin na naglalaro nito ay ang kilalang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao.

Actually, isa ring cos­player si Myrtle pero, aniya, wala silang kumpetisyon ni Alodia at ina-acknowledge niyang mas nauna ito sa kanya sa mundo ng eSport.
“She’s been there in this industry for way longer. Hindi ko lang alam kung nakapag-compete na siya ever.”

Sa tingin daw niya ay magiging proud sa kanya si Alodia na nakapasok siya sa international gaming tournament.

“I think she will be proud kasi gusto niya ring i-build up ang eSport industry in the Philippines. I think she will be proud of me as someone younger na nakapasok as a representative of the Philippines sa isang gaming competition.”