Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cesar, Sunshine walang katapusan ang giyera

0 232

NI: VINIA VIVAR
Sa gitna ng balitang may 5-year-old son diumano si Cesar Montano sa dating beauty queen na si Sandra Seifert, nagbigay ng pahayag ang ex-wife ng aktor na si Sunshine Cruz hinggil sa estado ng relasyon nila ngayon.

Sa Instagram post kahapon ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis tungkol kina Sunshine at Cesar ay sumagot ang aktres sa comment section.

Ayon sa post ni Nay Lolit, sana raw ay huwag nang magbigay pa ng statements sina Cesar at Sunshine sa isa’t isa para matapos na ang gulo alang-alang sa mga anak nila.

“Nagtataka ako Salve bakit parang walang katapusan iyon ‘gulo’ between Cesar Montano and Sunshine Cruz. Hanggang ngayon na meron na sila mga bagong partner para bang every now and then meron pang intriga between them.

“Sana naman matapos na , lalo pa at 3 babae ang anak ni Cesar kay Sunshine na parang hindi maganda tuwing meron lumalabas pang mga issue tungkol sa magulang nila.
“Puwede naman hindi na sila nagbibigay ng statement, o sumagot sa issue, basta tinanong, smile na lang para tapos na, huwag ng pag usapan pa.

“Hindi matigil tigil, para bang umaandar bawat araw , walang katapusan.Kanya kanya na sila, kaya hintuan na ang issue.

“Dapat wala na silang pakialam sa isa’t isa. Dapat iyon communication nila para sa mga anak na lang nila. No more hot words. Peace,” ang post ni Nay Lolit.
Sa comments section ay sumagot si Sunshine ay aniya ay hindi raw siya nagsasalita at wala na siyang pakialam pa sa dating asawa.
“Good Morning Tita Lolit. I haven’t said a single word. My ex husband is none of my business. Annulled na po kami. I’d rather focus sa mga anak ko at sa trabaho,” sagot ni Sunshine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.