Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cessna nag-crash: Piloto, pasahero buhay

0 78

Ligtas na sa tiyak na kamatayan ang dalawang sakay ng isang Cessna 152 plane makaraang ak­sidenteng bumagsak ang sinasakyan nilang two-seater single-engine light aircraft sa bakanteng lote sa Barangay Agnaya, Pla­ridel, Bulacan kahapon ng umaga.

Base sa inisyal report ng Bulacan Police Provin­cial Office (BPPO), ligtas na ang biktimang sina pilot Capt. Paul Jemuel C. Gayanes, 26, at co-pilot Lebon Eisen G. Sandoval, 26, na kaagad naisugod sa La Con­solacion General Hospital para sa medical treatment at tiniyak na ligtas na mata­pos bumagsak ang kanilang sinasakyang aircraft.

Nabatid kay Plaridel police chief Lt. Col. Je­sus Manalo na ang two-seater single engine air­craft ay nagtake-off sa Plaridel Airstrip runway na matatagpuan sa Barangay Lumang-Bayan, Plaridel at lumipad patungong south hanggang sa mag-crash sa bakanteng lote sa Baran­gay Agnaya, Plaridel da­kong alas-8:30 Biyernes ng umaga matapos tumama ang isa sa mga wing nito sa puno ng acacia.

Karaniwang nagsa­sanay sa Plaridel airport ang mga Pinoy at dayu­hang estudyanteng piloto ng iba’t ibang flying school sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Mabilis namang du­mating ang rescue team ng Plaridel at kaagad naisu­god sa pagamutan ang dalawa, na hindi iniulat kung ano ang tinamong sugat.

Gumugulong pa ang imbestigasyon sa naging sanhi ng pagbagsak ng light aircraft.

Nagpasalamat na­man ang mga residente malapit sa binagsakan ng Cessna plane dahil naga­wang maiiwas ng piloto sa kabahayan ang naglokong eroplano, at ibinagsak niya ito sa bakanteng lote para walang sibilyang madamay. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.