Abante Tonite Interactive

CEU pasok sa playoffs

By
958

Tumabo si Rich Guinitaran ng 27 points para giyahan ang Centro Escolar University sa 90-85 panalo laban sa University of Perpetual Help System Dalta kahapon sa JCSGO gym sa Cubao, QC.

Maangas na 7 of 9 sa field ang shooting guard at perpektong 4 for 4 sa labas ng arc.

Nagdagdag ng 22 points at 12 rebounds si Rod Ebondo para siguruhin ang puwesto ng Scorpions sa playoffs sa pagkolekta ng pang-apat na sunod na panalo tungo sa 7-1 card.

Matikas ding sumuporta ang bench ng mga taga-Mendiola sa pa­ngunguna ng 16 markers si Joseph Manlangit.

“All the credit goes to my players,” ani CEU Coach Yong Garcia. “Talagang kahit ang dami naming lapses, nag-focus sila. They are really determined to win.”

Pinabuka ng Scor­pions ang laro sa second quarter nang magpasok ng limang 3-pointers tungo sa kabuuang 11 mula long range.

Nasa unahan pa ang Altas 31-30 sa apat na sunod na puntos ni Kim Aurin bago nag-takeover si Guinitaran, nilista ang 13 sa 19-8 run ng CEU para sa 49-39 lead sa break at hindi na lumingon.

Napunta sa wala ang 23 points at 17 rebounds ni Prince Eze para sa Perpetual na nalaglag sa 2-5.(Vladi Eduarte)