Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cha-Cha, Bayanihan 3 target ipasa ng Kamara

0 202

Puntirya ng Kamara na maaprubahan ang panukalang pagbabago sa 1987 Constitution at Bayanihan to Arise As One o Bayanihan 3 bago ang sine die adjournment nito sa Hunyo 4.

Umaasa si Speaker Lord Allan Jay Velasco na susuportahan ng Senado ang panukalang pagbabago sa Konstitusyon hinggil sa ekonomiya.

“Hopefully maipasa natin `yong Charter change. Sabi ko nga eh `yong Constitution natin 30-year old na `yan so matagal-tagal na I think it’s high time that we change it, I think `yong provisions ng mga naisulat nung nakaraan medyo reactive to the Martial Law…. its high time na it should be reviewed,” sabi ni Velasco.

Samantala, inamin ni Velasco na nakasalalay sa makikitang pagkukuhanan ng pondo ang Bayanihan 3 at nakapaloob dito ang P216 bilyon para sa pagbibigay ng P1,000 ayuda sa bawat Pilipino. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.