Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cha-cha bubuhayin sa Kongreso

0 81

Muling bubuhayin sa pagbukas ng 19th Congress ang panukalang pag-amiyenda sa Konstitusyon o kilala sa tawag na Charter Change (Cha-Cha).

Ito’y matapos na muling ihain ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang resolusyon na magpapalawig sa termino ng pangulo hanggang 10 taon.

Sa Resolution of Both Houses no. 1, ang termino ng pangulo ay paiiksiin ng limang taon mula sa kasalukutang anim na taon ngunit pahihintulutan itong muling tumakbo para sa reeleksiyon. Magkakaroon din ng limang taong termino ang bise presidente at isang reeleksiyon.

Sa panukala ni Gonzales, itinutulak din nito ang tandem voting kung saan ang boto ng presidente at magiging boto rin para sa bise presidente na nasa ilalim ng parehong political party.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngunit nakasaad sa resolusyon na ang nakaupo at nagdaang presidente ay bawal na muling tumakbo sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno.

Limang taong termino naman na may isang reeleksiyon ang hirit para sa mga kongresista at mga lokal na opisyal mula sa kasalukuyang tatlong taong termino na may dalawang reeleksiyon.

Nais ni Gonzales na idaan ang Cha-Cha sa Constituent Assembly. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.