Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cha-cha gugulong na – Ako Bicol Garbin

0 41

Inaasahang maisasalang na sa plenaryo ngayong linggo ang resolusyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso para amiyendahan ang mga economic provision ng Saligang Batas ng 1987.

Ito ang napag-alaman kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin, chairperson ng House committee on constitutional amendments.

Matatandaang nakalusot na sa komite ang resolusyon sa sinusulong na Charter Change (Cha-cha) sa botong 62 pabor, tatlo ang tutol at tatlong abstention.

Si House Speaker Lord Allan Velasco ang naghain ng resoluyon na layong amiyendahan ang mga economic provision ng Konstitusyon upang buksan ang bansa para sa foreign director investment na malaki umano ang maitutulong upang makabangon ang Pilipinas mula sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Napag-alaman na nagpasya ang komite na alisin sa panukalang amiyenda sa Article 12, Section 7 ng Saligang Batas ang usapin na may kinalaman sa foreign ownership ng mga lupain sa Pilipinas.

Nakasaad pa sa resolusyon na hiwalay ang pagboto ng Kamara at Senado para sa pag-apruba ng mga economic amendment at kailangan makakuha ng ¾ boto mula sa mga miyembro ng bawat kapulungan upang maisulong ang Cha-cha. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.