Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cha-cha ibebenta `Pinas sa China – Recto

0 80

May pagdududa si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pagsusulong ng Charter change na naglalayong amyendahan ang mga economic provision ng Saligang Batas para makabangon umano ang ekonomiya ng bansa.

Kasama sa nilalakad sa probisyon ay maluwagan ang pag-invest o pagkakaroon ng ari-arian ng mga banyaga sa Pilipinas bagay na kinontra ng senador.

“Hindi solusyon sa lahat ng problema natin na ang dayuhan, mag-invest sa Pilipinas,” pahayag ni Recto sa `Balitaan at Kumustahan’ ng Politiko Live.

Saad ni Recto, puwedeng mag-invest ang mga foreigner sa bansa, ngunit dapat may ilang pagmamay-ari na para lamang sa mga Pilipino.

Ilan sa hinalimbawa ni Recto ay ang pagkakaroon ng lupa at ilang pang industriya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Halimbawa, lupa. Gusto ba natin ang dayuhan bilhin lahat ng lupa sa Pilipinas? Dito sa region natin sino ang pinakamayaman na dayuhan?” saad ni Recto, na pinatutungkulan ang mga Chinese.

“Ang problema meron tayong problema ngayon sa West Philippine Sea. Kung papayagan ‘yan sino bibili ng lupa sa Pilipinas, sila (Chinese) din malamang,” aniya pa. “Tayo ba papayagan bumili ng lupa sa kanila?”

Paliwanag pa ni Recto, dapat munang tingnan ang Konstitusyon para masigurong hindi mapapayagan ang mga foreigner na mag-invest sa mga pinagbabawal sa Saligang Batas, isa na rito ang manufacturing industry. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.