Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cha-cha lalong mabubuksan PH sa China – Pamalakaya

0 81

Nagpahayag ng pagtutol ang isang grupo ng mga mangingisda sa sinusulong na Charter change (Cha-cha) dahil lalo lamang umano nitong babasbasan ang pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea na sakop ng exclusive economic zone ng bansa.

“The proposed Cha-Cha would further exploit the country’s land and sea resources because it will remove the protections on our sovereignty and patrimony granred by the existing Constitution,” sabi ni Fernando Hicap, chairman ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya).

Aniya pa, kung ngayong wala pang Cha-cha kinakamkam na ng China ang karagatan ng bansa, lalo pa itong titindi kapag binago ang probisyon ng Konstitusyon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.