Abante Tonite Interactive

Cha-cha ni Gloria ipipilit

By
127

Pagsusumikapan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na mailusot ang Resolution of Both Houses No. 15 (RBH 15) na nagsusulong sa pagbabago ng Saligang Batas o Charter change (Cha-cha) para mabigyang-daan ang pagkamada ng gobyernong pederal.

“Well, it’s undergoing interpellation. It’s the last of President Duterte’s SONA agenda. Everything else has already passed. So, I guess, we’ll be concentrating on that next week,” sabi ni Arroyo nang pangunahan nito ang pag-iinspeksyon ng road project at pamamahagi ng regalo sa mga resi­dente ng Brgy. Mitle Proper, Porac, Pampanga nitong Huwebes, Nobyembre 29, ng kasalukuyang taon.

Umaasa si Arroyo na maisasakatuparan ang panukalang pagpapalit ng anyo ng gobyerno sa ilalim ng kanyang termino bilang House Speaker.

Abante Hiring – IT dep

“Of course, we know that there will still be many steps. But the thing is, we will bring it as far as we can bring it in the hope that the next Congress can continue the work,” ayon kay Arroyo.

Batay sa panukalang Cha-cha, tatanggalin na ang term limit ng mga miyembro ng Kongreso at idaraos ang unang eleksyon sa pangalawang Lunes ng Mayo 2022.

Kinontra naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pahayag ni Arroyo.

Kung masigasig aniya si Arroyo na mailusot ang RBH 15 ay mas magi­ging mahigpit ang gagawin nilang pagbabantay.

“Speaker GMA’s statement on RBH 15 is just a belated admission that the Cha-cha express train is already derailed and dead. But since there is still this self-serving and futile push being made in the House, we will continue to be vigilant because it may just be playing dead. We will continue to monitor and vigorously oppose it in the plenary, as well as expose its very disadvantageous provisions to the Filipino people,” pagdidiin ni Zarate.