Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cha-cha sa pandemya kinontra ng PCCI

0 61

Nagpahayag ng pagkabahala ang mga negosyante sa bansa kaugnay ng pagbuhay sa Charter change (Cha-cha) habang patuloy pa ang pandemya na dulot ng COVID-19.

“PCCI is cautious at the timing and manner by which the Constitution is being amended,” base sa pahayag ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) nitong Lunes.

Sabi ni PCCI president Benedicto Yujuico, bagama’t layon ng Cha-cha na alisin ang mga paghihigpit sa ekonomiya ng bansa, mayroon naman aniyang nakahain na mga panukalang batas para isulong ang economic liberalization.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bagama’t sinusuportahan aniya ng PCCI ang inisyatiba ng mga mambabatas para buksan pa ang ekonomiya upang maging competitive ang bansa sa buong mundo at makahikayat ng mga investor, kailangan umanong gawin ito ng maayos para maging matibay pa ang Saligang Batas ng Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni Ako Bicol party-list Rep. Alfred Garbin na hindi na kailangan ang Cha-cha para buwagin ang party-list system o amyendahan ang batas nito.

Tinukoy ni Garbin, chairperson ng House committee on constitutional amendments, ang Party-list System Act kung saan nakapaloob aniya rito ang mga dahilan para ma-disqualify ang isang party-list at ang rehistrasyon nito.

Nasa Commission on Elections (Comelec) umano ang solusyon sa naturang usapin.(Eralyn Prado/PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.