Abante Tonite Interactive

Cha Eun Woo bet ang dyowa ni Kim Woo Bin

397

Umamin si Cha Eun Woo kung ano at kung sino ang “ideal type of girl” niya. Nangyari ito sa Lunar New Year special broadcast ng SBS basketball variety program na “Handsome Tigers”.

Mabilis ang naging sagot nito na, “Shi Min Ah. I recently watched JTBC’s ‘Chief of Staff’ and got really into it. I binge watched it right away.”

Magiging proud naman siguro ng actor na si Kim Woo Bin na ang kanyang girlfriend ang bet ni Eun Woo.

Aliw rin ang sagot ni Eun Woo nang tanungin ito kung may kapatid na lalaki at kung kasing-guwapo niya rin.

Sey niya, “He’s cute.”

At saka sinabing, “He actually has more talentedthan me, and his face is also smaller. He studied abroad, in China, and he’s currently enlisted in the military.”

May request daw ang kapatid niya sa kanya. Na magpapunta naman daw siya ng girl group members para bisitahin ito.

Pero ang naging sagot niya sa kapatid,“He’s asked me to bring female idol group members [to visit], but I told him to mind his own business.”

Si Eun Woo ay may pagkakataon na nag-aral din sa Cebu, Philippines bago siya maging idol. Nang maging miyembro ng Astro ay nakapag-perform na rin sa bansa .

Last October 2019 ay isa siya sa masasabing nagdaos ng successful fan meeting sa KIA Theater.

Si Eun Woo ay isa sa may pinakamagandang mukha among the South Korean idols.