Abante Tonite Interactive

Cha Eun Woo, Im So Hyang nagbakasyon sa Cebu

210

tonite-annyeong-rose-garciaANG cast ng K-drama na “My ID is a Gangnam Beauty” ay kasalukuyang nasa Cebu nga­yon sa pangunguna nina Cha Eun Woo at Im So Hyang.

Nagbakasyon sila. Nag-finale kasi ang epi­sode ng “My ID is a Gangnam Beauty” noong September 15 sa JTBC network.

Noong October 19 ay dumating sa bansa sina Cha Eun Woo at Im So Hyang at iba pang cast. Ang balita, mamamalagi sa bansa ang mga ito sa loob ng apat na gabi at limang araw.

Uso sa South Korea, lalo na kapag ang drama ay umani ng positibong feedback at mataas na ratings, na tini-treat ng production ang cast sa isang bakasyon.

Eh, considered commercial success ang na­turang K-drama na base sa webtoon of the same title na ipinalabas sa Naver webtoon noong 2016.

Actually, hindi ang “My ID” ang kauna-unahang drama sa South Korea na nang mag-wrap-up ay sa bansang Pilipinas napiling magpahi­nga. May ilang beses na rin itong nangyari pero unlike with “My ID” madalas ay talagang lihim na lihim halos ang pagdating ng mga Korean star. Ang dahilan, para hindi na sila makapag-create ng commotion at ma-enjoy nila privately ang bakasyon.

First time naman ni Im So Hyang sa bansa, pero si Cha Eun Woo, nang um-attend ito ng MBC Music Show Champion sa Manila noong 2016.

On the other hand, ilang netizen naman ang nakiusap na sana raw, ngayong nabig­yan ng pagkakataon na makapagbakasyon ang cast, sana raw ay ha­yaan na ang mga itong mag-enjoy.

Respetuhin ang privacy nila ‘pag nakita sila sa Cebu.