Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cha Eun Woo sasabak sa Hollywood

0 104

Wala pang kumpirmasyon, pero kadalasan, kapag nababalita na at sinasabing “in talks” ay halos ito na nga talaga ang pwedeng abangan na mangyayari .

‘Pag nagkataon, pa-Hollywood na ang South Korean idol/actor na si Cha Eun Woo. Siya ay isa sa pinaka-lkilalang miyembro ng Astro.
Naglabasan na sa mga Korean news na nakikipag-usap na sa kanyang agency, ang Fantagio para sa Hollywood film na “K-Pop: Lost in America.”

Makakasama raw ni Cha Eun Woo ang mga Hollywood actors na sina Rebel Wilson at Charles Melton. Kuwento ito ng isang K-Pop group na na-stranded sa Texas, ilang araw bago ang kanilang American debut sa New York Madison Square Garden.

With no money, phones, or transportation, kailangang makagawa ng paraan ng grupo para makarating sila sa New York at the same time, overcoming their individual differences and whatever obstacle is in their way.

Ayon sa report ng Star News, “Cha Eun Woo would also join the cast and make his Hollywood debut. He has already been offered a role in the movie and is currently postively considering the offer. He has reportedly already begun arranging his schedules for the Fall, when filming for the movie is expected to begin. However, there may be delays in the filming process, whether it be Cha Eunwoo’s busy schedule or production delays.”

Kung sakali man, mukhang bago ito gawin ni Cha Eun Woo, bibisita muna itong muli sa Pilipinas ngayong August para sa kanyang fan meeting.

Leave A Reply

Your email address will not be published.