Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chairman, ex-kagawad niratrat sa mosque

0 82

Dalawang opisyal ng barangay sa Cotabato City ang nasawi matapos paulanan ng bala sa loob ng mosque nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng mga pulis ang mga biktimang sina Amil Sula, kapitan ng Barangay Rosary Heights 5; at si Abner Ampuan, dating kagawad.

Sa report, nagdarasal ang dalawa sa loob ng mosque sa Second Street, Barangay Rosary Heights 5 ng lungsod nang bigla silang lapitan ng mga hindi pa nakilalang mga suspek saka pinagbabaril gamit ang caliber .45 pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Itinakbo ang dalawa sa pagamutan para malapatan ng lunas ngunit pumanaw din.

Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulo ng personal na away bilang motibo sa pananambang. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.