Abante Tonite Interactive

Chairman na druglord sa Cotabato nakaeskapo sa operasyon

7

North Cotabato — Patay ang isang barangay chairman habang tatlo ang arestado sa isinagawang anti-drugs operation ng Police Regional Office (PRO-12) sa Barangay Tugal, Midsayap, North Cota­bato kamakalawa.

Bitbit ang warrant of arrest nang sumugod ang mga awtoridad sa nasabing lugar upang hulihin ang hinihinalang drug Lord na umano’y si Barangay Tugal Chairman na si Peng Kulilong.

Sinasabing papasok na ang mga kagawad ng PRO-12 sa bahay ng suspek upang isilbi ang warrant of arrest nang salubungin ang tropa ng putok ng mga armadong kalalakihan sa pangunguna ng isang Areen Kulilong.

Gumanti ng putok ang mga elemento ng pulisya na nagresulta ng kamatayan ni Kulilong.

Sinamantala naman ni chairman ang pagkakataon at tumakas.

Nasamsam sa bahay ng suspek ang mga hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P60,000, isang .9mm pistol, Uzi sub-machinegun at cal. .45 na may mga bala.