Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chairman, negosyante nagbarilan

0 357

Patay ang isang negsoyante samantalang sugatan naman ang isang barangay chairman matapos magbarilan ang dalawa sa Sta. Teresita, Batangas noong Linggo ng gabi.

Mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang si Ronald Mendoza, 45; taga bayan ng Taal.

Tinaman naman sa kamay, hita at paa ang kapitan na si Wilfredo Manalo, 46, na ngayon ay nakaratay pa sa ospital sa Lemery.

Ayon kay PCPT Kermin Amor Cabrales, hepe ng Sta. Teresita, nangyari ang insidente sa isang bahay malapit sa tahanan ng kapitan sa Barangay Poblacion.

Nalaman umano ng tserman na dumating sa lugar ang negosyante na matagal na nitong kaalitan kaya pinuntahan niya sa inuman.

Matapos ang ilang salitaan, halos sabay na nagbunot ng baril ang dalawa at nagputukan.

Narekober sa crime scene ang kalibre .45 baril ng nasawi.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inihahanda na rin ang kaso laban kay Manalo. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.