Abante Tonite Interactive

Chairman Ramirez panauhin sa opening ng 9th UCSAA

174

Honorary guest para sa opening ng 9th Universities, Colleges and Schools Athletic Association (UCSAA) 2019-2020 si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa darating na Agosto 30 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Pitong paaralan ang maglalaban-laban sa liga na may temang ‘Brighter, Bolder, Better,’ kung saan Saint Dominic Savio College ang season host.

Bumisita Martes ang mga UCSAA official sa pangunguna ni Executive Director Harlem Ruiz sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo sa Malate.

Maski ‘di pinangalanan ni Ruiz sa session na mga piniprisinta ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amel-ie Hote at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang guest speaker, giniit niya “Kilala ninyo siya, makikita ninyo na lang sa opening day.”

Basketball ang magiging p­angunahing event ng UCSAA na magkakaroon din ng volleyball, badminton, table tennis at chess. (Janiel Abby T­oralba)