Abante Tonite Interactive

Chairman sa Maynila kakasuhan ni Isko

0 680

May mga kakasuhan na ilang chairman sa Maynila matapos hindi tumalima sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na alisin ang mga obstruction sa kalsada.

Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ sa kanyang Facebook Live matapos na magreklamo sa kanya ang isang netizen na may mga kalsada na patuloy pa rin ang obstruction sa kabila ng panawagan ng DILG na ibigay sa publiko ang kalsada.

“Gusto mo pasikatin kita chairman… taga-Antipolo St. ka bahala na kayo mag-isip mahaba naman ‘yun e,” ayon kay Moreno matapos tukuyin ang isa sa mga kakasuhan.

Ayon kay Moreno, marami umanong sinasabi laban sa kanya ang nabanggit na chairman.

“Sabihin mo nga sa akin kung mali ang magsaayos ng obs­truction, mali ba ang isinasagawa naming pagsasaayos, kung ayaw mo magtrabaho, mag- resign ka na at umalis ka sa Maynila,” dagdag pa ni Moreno.

Ayon pa kay Moreno mas makabubuti umano kung bumili na lang sila ng sarili nilang isla kung mayroon silang sariling gobyerno.

Sinabi pa ni Moreno na galit na ang mga netizen sa mga chairman na hindi public service kundi naghahanap ng trabaho kaya tumakbong chairman. (Juliet de Loza-Cudia)