Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chairman tinarget sa ulo

0 504

Namatay ang isang kapitan ng barangay noong Lunes matapos siyang ilang ulit na barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin habang papasok siya ng isang kainan sa Isabela City, Basilan.

Dead on the spot dahil sa tinamong tama ng bala ang biktimang nakilalang si Jamirun Amigos, kapitan ng Barangay Marang ng naturang bayan.

Sa ulat ng Police Regional Office 9, naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon sa Barangay Isabela Proper, Isabela City.

Naglalakad ang biktima patungo sana sa isang fast food chain nang bigla na lang itong lapitan ng suspek na armado ng kalibre .45 baril at malapitang pagbabarilin sa ulo.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang salarin patungo sa kahabaan ng Rizal Avenue sa nabatid ding barangay.

Nakakuha ang awtoridad ng apat na basyong bala mula sa kalibre .45 baril at base sa mga tama ng biktima ay talagang hindi ito bubuhayin ng suspek.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente. Tinitingnan na rin ang mga kuha ng CCTV sa lugar sa posibleng pagkakakilanlan ng salarin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.