Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Challenge accepted. Ayan napala niyo!’

0 745

‘Yan ang reaksyon ni Pastor Apollo Quiboloy sa balitang pag-deny ng franchise renewal ng Kongreso sa ABS-CBN Corp.

Hinalintulad ni Quiboloy ang pagpapasara ng ABS-CBN sa kwento nina David at Goliath, kung saan tinalo ng payak na tao ang isang higante.

“Because Goliath is very arrogant. He was challenging David,” patama ni Quiboloy sa ABS-CBN.

Paliwanag ni Quiboloy, masyado umanong mayabang ang mga nasa ABS-CBN kaya humantong sa pagtigil-operasyon ng network.

“Pag kayo may impluwensya kayo, sikat kayo, nakatingala mga tao sa inyo. Be a good example huwag kayong magyabang,” sey pa nito.

“Masyadong mataas lipad niyo, parang untouchable na kayo. Saka napansin ko sa inyo, mga crew niyo kahit saan pumupunta, basta may marka ng ABS-CBN, ang tataas ng tingin sa sarili,” aniya pa.

Bukod pa dito, nagparatang din si Quiboloy sa hindi magandang anggulo umano ng pagbabalita ng Kapamilya network, kung saan hinalimbawa niya ang kanyang sarili.

“Puro slanting mga news niyo, Bakit ganon may kulay palagi… palaging may pananakit sa loob ng ibang tao,” saad pa ng Kingdom of Jesus Christ founder.

Nabanggit din ni Quiboloy si Vice Ganda, na dating hinamon ang pastor na ipatigil ang show na ‘Ang Probinsyano’. Tumugon naman si Quiboloy na sa loob ng ilang buwan ay pati ang network ay kanya ring ipapatigil.

“O di ba Vice Ganda? Alam mo na ngayon? Hindi kayo makapangyarihan. Ang Ama sa langit ang makapangyarihan,” deklara pa ni Quiboloy.

Bukod pa dito, binalikan din ng pastor ang pagkansela umano ng programa niya sa network para palitan ang kanyang programa ng sabong. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.