Abante Tonite Interactive

Challenge kay Horror Queen kung mag-hit ang movie

537

At least, hindi pala press release ‘yung sinabi ni Kris Aquino na may gagawin siyang horror movie dahil ayan nga’t pasok sa unang apat na official entries ng Metro Manila Film Festival 2019 ang “(K)Ampon” nila ni Derek Ramsay.

May nagtsika sa amin na si Kris daw ang naghahanap ng line producer para sa pelikula, so ibig bang sabihin ay siya ang producer nito o co-prod sila rito ng Quantum Films?

Knowing Kris ay b­igla siyang gagaling sa sakit niya at hindi niya pakakawalan ang project na ito dahil matagal na niyang hinahanap-hanap ang umarte ulit sa harap ng kamera.

Certified flop ang hu-ling MMFF movie ni Kris na “All You Need is Pag-ibig” (2015) na si Derek din ang kapareha niya. Na-pullout ito sa mga sinehan at isang pagkakamali na tinanggap ito ni Direk Antoinette Jadaone.

Malaking challenge kay Kris kung kaya niyang gawing hit ang “(K)Ampon” ngayong nagbabalik siya sa horror genre.

Cameo role lang pala si Nadine Lustre sa isa pang MMFF 2019 entry na “Miracle in Cell #7” at si Aga Muhlach talaga ang bida sa Pinoy version ng hit 2013 Korean movie.

Floptsina ang huling pelikula ni Aga na “First Love” (2018) with Bea Alonzo at mukhang na-nganganib din sa takilya ang “Nuuk” nila ni Alice Dixson na kinunan pa sa Greenland, so good luck sa entry na ito ng Viva Films.

Obviously ay ang entry ni Vice Ganda with Anne Curtis na “Momalland” ang mangunguna sa takil-ya sa December.

Tulad ni Vice ay mukhang taon-taon na ring may entry si Vic Sotto, na nagbabalik this year with “Mission Uns-tapabol: The Don Identity” kasama ulit si Maine Mendoza.

September 20 ang deadline para sa finished films kung saan may chance pumasok ang mga naligwak na script. October ang announcement ng final four entries sa MMFF 2019. (Allan Diones)