Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chambers gusto mag-coach sa UST

0 87

ISAMA na sa dumadating bilang ng gusting maging bagong coach ng UST men’s basketball team si dating PBA import Sean Chambers.

Kamakailan kasi ay tuluyang iniwan ni Aldin Ayo ang Espana-based squad matapos madawit sa kontrobersiyal na ‘Sorsogon Bubble.’

Sa pag-alis naman sa USTe ni Ayo kung saan pinatawan din siya ng indefinite suspension, ilan sa mga experienced players at coaches ang interesadong magmando kabilang na si six-time PBA champion Chambers.

Hindi pa klaro kung magpapasa ng application letter sa UST ang 55-anyos na dating Alaska import. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.