Abante Tonite Interactive

Chan, 2 pa salang na pero Devance garahe

0 458

Good news sa Ginebra, nakalaro na ang mga galing injury na sina Art dela Cruz, Jeff Chan at Jared Dillinger.

Bad news, hindi makakalaro si Joe Devance sa eliminations ng parating na PBA Governors Cup.

Pagkatapos masipa sa playoffs ng nakaraang Commissioner’s Cup ang Gin Kings, nagpa-opera si Devance sa kanang paa.

Sa kasagsagan ng midseason tournament ay iniinda na raw niya ang paa, nagpapaturok lang para mabawasan ang sakit.

“It’s not like a major surgery, but if I don’t take care of it … it needs to heal because they broke the bone,” ani Devance, naka-protective boot nang dumating sa tune-up game ng Ginebra kontra Magnolia noong Biyernes sa Pasig.

Kailangan lang daw maayos ang rehabilitasyon at paggaling.

Sa Sept. 20 ang siklab ng Governors, November ay inaasahang makakabalik na si Devance.

Kontra Hotshots ay naglaro na sina Dela Cruz, Chan at Dillinger, bagama’t limitado pa rin ang kanilang minuto.

Sinubukan ni coach Tim Cone ang tatlo, ipinasok sa second quarter. Si Dela Cruz na lang ang ibinalik sa fourth ng 87-83 win ng Gins.

“Jared played maybe a minute and a half, or two minutes. We just didn’t want to extend him too much,” ani Cone. “We didn’t want to extend Jeff, he played only in the first half. Art seems to be the healthiest right now.”

Kung makakabalik ang tatlo ay lalalim ang bench ng Ginebra, bagay na nawala noong nakaraan.

Sa kaagahan ng Commissioner’s ay magkasunod nagka-injury sina Dela Cruz at Chan. Si Dillinger ay injured na nang makuha mula Meralco. (VE)