Abante Tonite Interactive

Chan bida sa Scorpions; Couriers sinemplang

0 212

Nagbaon si Tyron Chan ng 32 points at 10 rebounds para pilotohin ang Centro Escolar University Scorpions na kagatin ang Wangs Basketball Couriers, 116-72, at kapitan ang top seed ng Foundation Group standings ng 9th PBA D-League 2019 eliminations Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bibuhos ni Chan ang 23 sa 32 markers niya sa first half na nagpadomina sa CEU sa WB. May lima pa siyang assists at apat na steals sa 7-1 win-loss slate ng winning team.

Nakapitan din ng batalyon ni Frederick Pumaren si Senegalese Maodo Diouf na may 20 pts., 16 boards at 8 feeds habang may 16 markers at 5 rebs. si Judel Fuentes. May 12 pts. each sa Couriers sina Daryl Singontiko, Rey de Mesa at Julian Pallatao.

Tapos ng 76-67 game loss kontra SMDC-NU noong nakaraang linggo, balik ang angas ng Scorpions sa unang minuto palang, umalagwa para sa 38-17 run at iputong sa talsik na sa next round na kalaban ang baraha sa 3-6, panlimang sunod na semplang.

“We got derailed sa NU and we didn’t take care of things in the second half,” wika ni coach Pumaren. “Ngayon, we made sure to take care of things.”

Sumagwan naman si Leonard Santillan ng 21 pts. at 17 rebs. upang lunurin ng Marinerong Pilipino (5-4) ang University of Perperual Help (2-6), 90-76. (Fergus E. Josue, Jr.)