Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chandler, Malditas swak sa AFC Cup

0 42

Dumiliber para sa Philippine Women’s national football team sina Tahnai Annis at Chandler McDaniel upang maibagahe ng bansa ang panalo kontra Hong Kong, 2-1, sa ginanap na 2022 AFC Women’s Asian Cup qualifiers, Biyernes ng gabi (Manila time), Tashkent, Uzbekistan.

Mainit ang pagragasa ng PH Malditas sa Group F ng torneo, nilugmok kamakailan ang Nepal, sa pangunguna ni Tahnai Annis na naka-iskor sa ika-17 minuto laban sa Hong Kong.

Sa ika-61 minuto, naitabla ni Chung Pui Ki ng kalabang panig ang talaan ngunit hindi nagpasindak ang PH Malditas.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakapuntos para sa bansa at maungusan ang Hong Kong si Chandler McDaniel sa ika-87 minuto ng sagupaan at makopo ang panalo.

Dahil sa tagumpay, nasungkit ng national team ang kanilang pwesto sa gaganaping 2022 AFC Women’s Asian Cup. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.