Abante Tonite Interactive

Chandler puntirya ng Lakers

By
1,187

Hindi pa tapos ang veteran moves ng Los ­Angeles Lakers.

Si Tyson Chandler umano ang target ng team, at anumang araw ay pupunta na ng LA ang Phoenix Suns center kapag naayos ang waivers.

Nagkasundo umano ang magkabilang kampo sa contract buyout ni Chandler.

Isang source ng The Associated Press ang nagkumpirma sa buyout plan bagama’t hindi pa inihahayag sa publiko ng Suns.

Nang dumayo ang Lakers sa Portland, sinalag ni coach Luke Walton ang mga tanong hinggil kay Chandler.

Nang makuha si LeBron James sa free agency noong July, pinalibutan siya ng Lakers ng mga beterano tulad nina Rajon Rondo, JaVale McGee, Lance Stephenson at Michael Beasley.

Starting center ng Dallas si Chandler nang magkampeon ang Mavericks noong 2011.