Abante Tonite Interactive

Changbum nagluluksa sa pagyao ni Minwoo

By
2,735

ANG dating miyembro ng South Korean boy band na 100% na si Changbum ay hindi rin makapaniwala sa napakabilis na pag­panaw ng dating ka­grupo at tu­­­ma­­tayong leader at vo­calist nila sa 100% na si Seo Minwoo.

Sina Changbum at Minwoo ang dalawa sa magkasabay na nag-debut sa 100% no­ong 2012. Pagkatapos ng apat na taon, nagdesisyon si Changbum na umalis sa grupo habang si Minwoo naman ay nagpatuloy pa rin na maging leader.

Kahit wala na sa 100% si Changbum, nanatili pa rin ang pagiging malapit na magkaibigan ng dalawa. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post ito ng larawan nilang dalawa ni Minwoo kasabay ang mensahe na sana raw ay nakakapagpahinga na ito ngayon kung nasaan man.

Aniya, “May you rest in peace. I hope you are comfortable up there in the sky, Minwoo hyung… I hope you become a bright star and light up this world.”

Bukod sa ibang mga ka­­samahan ni Minwoo sa Korean enter­tainment industry, malungkot at hindi rin halos makapaniwala ang mga fan sa maagang pag­pa­naw nito sa edad na 33 dahil daw sa cardiac arrest.

Nag-post din ng kanilang message of sympathy ang mga fan club ng dalawa sa ma­laking K-pop group na BTS at Big Bang.