Abante Tonite Interactive

Changsub kinamuhian

By
2,329

Galit ang mga fan kay Changsub. Si Changsub ay si Lee Chang-sub, lead vocalist at isa sa pitong miyembro ng South Korean boyband na BToB under Cube Entertainment Agency.

May video kasi na lumabas na nakita si Changsub na may kasama at kaakbay umanong babae sa Starbucks. Nakunan ito ng video at lumabas sa social media.

Sinasabing ang babae raw ay ang musical actress na si Jung Jae Eun, pero mabilis itong itinanggi ng Cube Entertainment.

Ayon sa Cube, “It’s not true.” Pero hindi namatay ang isyu katulad sa ibang Korean celebrities na kapag nagbigay na ng statement ang mga agencies nila ay nagkakaroon na ng linaw sa isyu.

Sa halip, mas lalo lang daw nagalit ang mga fan at mga netizen. Ipinaliwanag nila na hindi sila nagagalit kung may karelasyon man ang BToB member, galit sila dahil sa pagde-deny nito at sa ginawa.

Nagkataon na ang video raw kasi na nakuhanan ay sa mismong araw ng fan signing ng BTOB.

Katabi ng venue ang Starbucks at ipinagpapalagay nga na after the fan signing, nagpunta agad dun si Changsub at nakipagkita kay Jung Jae Eun. Ni hindi man lang daw nakuhang magpalit ng damit ng singer.

Ayon sa isang netizen, “We are not angry because he has a girlfriend. We are furious because he chose to go to Starbucks right next to the fansigning venue, linking arms with a woman just moments before the event. Do you think an idol whose been doing this job for years didn’t realize that fans would be present at the cafe next to the venue? Furthermore, his clothes were the same as the ones he wore at the fansign.”

Ilan pa sa mga komento ng netizen sa lumabas na video; “I don’t know about anything else, but the fact remains that he did this on a fansign day. Which the fans have had to pay for…”

“He is not my idol but I feel disgusted…being an idol is also a career, so one should have some consideration.” “Wow..that’s crazy.”

Sa isang banda, tila na­ging careless nga si Changsub nu’ng araw na yun lalo pa at may official event ang grupo nila sa lugar.