Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Channel 43, Sky Cable franchise paso na – Roque

0 313

Dumistansiya ang Malacañang sa naging aksiyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na pagpapatigil sa operasyon ng Channel 43 at Sky Cable Corporation na parehong pinapatakbo ng ABS-CBN.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang NTC ang may disposisyon sa mga isyung kinakaharap ng ABS-CBN dahil ito ang tanging ahensya na binigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon na umaksiyon sa mga napasong prangkisa.

Sa pagkakaalam umano ng kalihim, paso na ang prangkisa ng Channel 43 at Sky Cable kaya ipinatigil ito ng NTC.

“Whatever it is that the NTC issue was pursuant to the fact that the additional franchises of ABS -CBN to operate these additional channels has also expired,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.