Abante Tonite Interactive

Chanyeol, Yoora nagkabukingan na nasa Bangkok

224

Nagkita sa ibang bansa ang magkapatid na si Chanyeol at ang non-showbiz sister niya na si Park Yoora.

Nagkataong parehong nasa Bangkok, Thailand of the same date ang dalawa pero pareho silang walang ideya.

Nagkataong nagbakasyon si Yoora sa Bangkok at nag-upload ng pictures niya sa Instagram. Si Chanyeol naman ay nasa Bangkok kasama ang isa pang EXO member na si Sehun dahil sa 2020 K-Joy Music Festival.

Ang mga fan ang nag-comment sa magkapatid na pareho silang nasa Thailand. May nagtanong din kung magkikita raw ba ang mga ito for a little rest & bonding.

Patunay kung gaano ka-busy ang schedules ng mga South Korean idols, lalo na nga kung miyembro ka ng sikat na grupo tulad ng EXO. Hindi na nagkakaalaman ng mga sked at whereabouts with your immediate family.

Ang EXO member rin kasi ay nakatira kadalasan sa dorm at hindi na sa mismong bahay nila with their family.

Naaliw naman ang mga fan sa magkapatid, lalo na nang mag-post si Yoora at magpasalamat sa mga ito. Sey niya, “Unforgettable night. My dongsaeng told me he was in Thailand, so I met up with him. I can’t believe we met up last minute in Bangkok…!! I feel like I made it in life.”