Abante Tonite Interactive

Character actor, suki sa masurot na sinehan

By
181

CHARACTER actor na naging jowa rin ng isang director, gumugorabels sa mga masurot na sinehan!

Dahil kaya double program ang palabas?

O mahilig siyang mag-throwback pagka’t ang showing sa mga sinehang iyon ay bold movies noong dekada ‘80 at ‘90?

Dumadayo si supporting actor sa malalayong lugar basta ganoon ang palabas.

Suki siya sa Recto, avenida, Quiapo, Sta. Cruz, Manila.

Si character actor ay kilala rin naman noon pa at ka-join siya noon sa magagandang pelikula.

Nakatrabaho niya na ang magagaling na direktor ng Philippine area of responsibility.

Maliit man o mala­king role, nabibigyan niya ng justice league kaya gustung-gusto siya ng mga produ.

Nakailang palit na ng presidente ang Pilipinas, pero nandiyan pa rin siya at gumagawa ng pelikula.

Pag-ariba ng mga teleserye, present pa rin siya.

Maski sa indie mo­vies, pasok pa rin siya sa banga.

Sabi nga, kung nadagdagan sana kahit konti ang fez niya, maluluma sa kanya sina John Arcilla, Julio Diaz, Rez Cortez at Pen Medina.

Have na rin siya ng citations & recognitions kaya hindi siya nawawalan ng project.

Tahimik siyang tao kaya pati ‘yung lovelife niya kay direk, hindi napag-uusapan.

Pag free time niya, feel na feel niya ang hard massage.

Nalibot niya ang iba’t ibang rehiyon searching for the best masahista with most outstanding extra service.

Eh bakit ba?! May pambayad naman siya.

Ang nakakalokah sa kanya, bakit rumarampa pa siya sa mga kachipang sinehan na majinit at karamihan ng parokyano ay thunders?

Naispatan siya ng isang beki na lumabas sa isang dirty theater sa Quiapo nang naka-dark shades at parang nakapambahay.

Sinundan siya ni ba­ding.

Lumipat si character actor sa ganu’n ding dirtyness na sinehan sa Recto.

Kuwento ni bading, ‘yun siguro ang trip ni character actor kaya ha­yaan na natin siya.

Kung saan ka masaya, suportahan taka.