Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chariz naubos ang ipon

0 1,275

NI: ROLDAN CASTRO

Buong ningning na inamin ni Chariz Solomon na apektado siya ng pandemic ng COVID-19.

Dahil sa ilang buwan na walang taping ay malapit na siyang mapurdoy. Per taping pa naman siya kumikita.Wala ring raket sa mga events at live shows.

“I was always worried na paubos na ‘yung funds, ‘yung ipon wala na, talagang broke levels na,” pag-amin ng aktres sa Facebook live ng “Descendants of the Sun.”

Pero hindi siya pinapabayaan ng Diyos.Lagi raw na nasa tabi niya ito.

Sobrang tuwa ng comedienne nang magre-resume ang taping ng weekly show ng GMA. May papasok na raw na pera sa kaban niya at may sasahurin na siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.