Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Charles ‘bibinyagan’ ni Ate Guy

0 565

ROMMEL PLACENTE :Sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer, gumaganap si Charles Nathan bilang isa sa mga macho dancer. Ayon sa kanya, may shower scene siya sa movie at abangan daw kung may makikita sa kanya.

Base sa sinabing ito ni Charles,mukhang me pinakita siya di ba? Naku siguradong pagpantasyahan siya ng mga bading once napanood siya sa nasabing pelikulan.

In fairness, ang gwapo ni Charles huh! At posible talaga siyang maging kilabot ng mga bading .

Sa kagwapuhan niyang ito, napagkamalan pala siyang si Alden Richards nang magpunta siya sa isang mall.O ,di ba, pang -matinee idol din ang dating ng binata?

MILDRED BACUD:Ang gwapo sa malapitan si Charles Nathan. Iba ang aura. Mahusay sumagot. Balita namin maraming plano ang management na Godfather Productions sa kanya kasama na ang pelikula ni Superstar Nora Aunor.Kanina sa presscon na-impress ang mga press people na nag-interview sa kanya. He has the making of a big star which is sasang-ayunan ko. Nandun kasi ang passion niya sa piniling career. Gusto raw niya makatrabaho sina Liza Soberano, Kathryn Bernardo at ang ultimate crush daw niyang si Sue Ramirez.

Kung may kanya-kanyang pasabog ang mga kasamahan ni Charles sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer, hindi man bida, siguradong mapapansin daw ang acting ng baguhang aktor. May tatatak din daw na eksena.So from Sibasib King, ay ano kaya ang pwedeng itawag sa kanya?

RODEL FERNANDO: May bago na talagang mamahalin at ito ay sa katauhan ni Charles . Siguradong malayo ang kaniyang mararating dahil guwapo at talented pa. Nagpapapa-sexy man siya ay tanggap siya ng marami dahil matindi ang kanyang sex appeal. Bukod sa mga babae ay kasama na ang mga beki na pinagpapantasyahan siya. Sa totoo lang, ang lakas kasi ng kaniyang dating.

Na-excite tuloy kami sa mga susunod niyang project lalo pa at may nakalinya nga siyang pelikula kasama ang Superstar na si Nora Aunor. Kung maaalagaan siyang mabuti ay magiging important star siya.

Isa nga siya sa inaabangan sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer” .

ROLDAN CASTRO: True ‘bibinyagan’ ni ate Guy si Charles sa pelikulang “Kontrabida’ pagdating sa akting.
Maraming plano ang Godfather Productions sa kanya bilang kauna-unahang contract star.

Gaganap rin siyang young Joed sa bio-pic ni Joed Serrano.

Nakalinya rin ang follow up movie ng ‘Anak ng ‘Macho Dancers’ Boys na ‘Mga Batang Tondo’.
Ang kanyang launching movie naman ay ‘Matinee Idol’.

Sa mga plano ng mega producer na si Joed mukhang malayo ang mararating ni Charles. Ramdam namin na sisikat siya.
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.