Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Charlie sinasabong kay Jane

0 109

NI: ARCHIE LIAO

Mabangong-mabango ang pangalan ngayon ni Charlie Dizon bilang best actress ng MMFF sa pelikulang Fan Girl.

Katunayan, dahil napatunayan na may ibubuga sa acting ang Rise artist, may mga pralala ngayon na puwede siyang ikunsidera sa pelikulang Darna.

Ito ay kahit pa may balita na matutuloy na ang paglipad ni Jane de Leon para bigyang buhay ang papel ng nasabing iconic superheroine character ni Mars Ravelo.

SM food to go Banner Ad

Bet na bet din ng ilang nakatrabaho si Charlie dahil daw sa ipinakita nitong pagiging natural actress. Bukod dito, professional at magaling makisama sa kanyang mga katrabaho.

May ilang kibitzers na nagsasabing sa pagpu-push na ito ng showbiz observers ay baka maantala uli ang paglipad ni Jane bilang Darna.

May mga nagsasabi ngang bilang baguhan, banta raw si Charlie kay Jane, lalo pa’t sa unang major role niya sa pelikula ay nanalo agad ito ng award.

Ngayong 2021 pinagsasabong sina Charlie at Jane.Saang team ka?

Leave A Reply

Your email address will not be published.